Dakilang Kuwentu-TERO!!!
Halina't magkuwentuhan Tayo!!!

Ang Alamat ng mga Bayan at Lungsod sa NCR (Part 1)

Labels:

Views

Ang haaabaaa ng title 'no? Part 1 pa lang iyan! Dahil sa dami ng bayan at lungsod dito sa National Capital Region (NCR), labimpito yata silang lahat, at kung iisa-isahin ko silang lahat na gawan ng alamat, aba'y sobrang hahaba na masyado ang blog entry ko na ito! Kaya naman nakaisip ako ng isang magandang solusyon! Gagawin ko itong series upang hindi naman nakakatamad basahin dahil sa sobrang haba!

Anyway, ang mga sumusunod ay gaya pa din ng dati, walang katotohanan at walang basehan at talaga namang walang kakwenta-kwenta! Ngunit kung nais nyo namang tunghayan, e okay lang din, hehehe! Yung iba siguro totoong alamat, yung iba naman, gawa-gawa ko lang. Ewan natin kung ano ang totoo! Hahahaha.. pero bago ang lahat, isa munang pagbabalik-aralin.

Ang alamat ay karaniwang pumapaksa sa pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan. Ito ay likhang-isip lamang kaya salat sa katotohanan at di kapani-paniwala. Bagamat may ganitong katangian, nasasalamin naman nito ang mga kaugaliang Pilipino (Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas, Villafuerte, et al. 2000, p. 44).

O di ba! Talaga namang may reference pa! Syempre naman... educational yata ang blog ko... wahehehhehehe! Ngayon, tunghayan na natin ang ilan sa mga alamat ng mga bayan at lungsod sa NCR, Part 1 *echoes*.... bwahahhahhaaha!

Ang Alamat ng Malabon

Noong unang panahon, mahigit apat na raang taon na ang nakalilipas, walang sariling pangalan ang ngayon ay tinatawag ng lungsod ng Malabon.

Dati daw, napapalibutan ang bayan na ito ng mga labong, isang uri ng murang (baby) kawayan o bamboo.

Minsan, may napadpad na kusinerong estranghero sa bayan na ito. "Ano ba yan? Ma-labong naman dito! Eh, allergic kaya ako sa labong! Amf!" Sa hindi sinasadyang pagkakataon, narinig iyon ng kabesa de barangay o ng punong tagapamahala ng bayan.

Naisip nya... "ay maganda yang pangalan para sa bayan namin a... Ma-labong!" Simulan nuon ang bayan ay tinawag na Malabong... na ng lumaon ay naging bayan ng Malabon. Ngunit ang Malabon ay kilala sa paggawa ng kilalang Pansit Malabon. Kung ano man ang kaugnayan ng labong sa pansit ay hindi ko talaga alam!


Ang Alamat ng Navotas

Noong unang panahon, ang kilalang Pambansang Pangisdaan ng Pilipinas ay sakop ng nauna ng bayan ng Malabon. Ang bayan na ito ay bata pa kung ikukumpara sa nasabing bayan. Ang makulay na mahigit isang daang taon ng Navotas ay nagmula sa isang hindi inaasahang mga pangyayari. Miski ako hindi ko talaga inexpect!

Dahil nga ang bayan ng Malabon ay napapalibutan noon ng mayayabong na kawayan (at labong), nagmistulang isang malawak na kawayanan ang dating lugar ng Navotas. Sa kabila ng isang mataas na pader ng mga kawayan, nakakubli ang isang mayabong lupain na naghihintay lamang na matuklasan.

Noong panahon ng mga Kastila, ang ating mga sugatang kababayang Katipunero ay napadpad sa dulong bahagi ng bayan ng Malabon upang duo'y makapagtago, makapagpagaling at makapag-ipon ng lakas. Ngunit upang makarating doon, kinailangan pa nilang gumawa ng isang butas upang makarating sa kabilang bahagi ng lupain. Kaya binutas nila ang isang bahagi ng kawayanan. Doon ay nagkubli sila sa mga kalabang Kastila at nagpagaling.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang kabilang bahagi ng Malabon ay may malawak na lupain at may isang malaking tanke ng oil depot. Sa hindi inaasang pangyayari, nabutas ang oil depot tank at kumalat ang langis na ngayon ay mas kilala sa tawag na ilog. Ang pagkakabutas ng oil depot tank ang nagsilbing hudyat sa mga bagong salta sa lugar na iyon na bigyan na ng sariling pangalan ang lupaing iyon. Hindi nagtagal, humiwalay ang bagong tatag na bayan sa dating bayan ng Malabon. Tinawag iyong Nabutas na ng lumaon ay naging Navotas para naman daw sosyal pakinggan dahil sa letrang V na meron ito ngayon.

(Itutuloy...)
11 comments:
Anonymous

astig namn!!!^^ part 2 part 2!!


@anonymous: meron pong part 2 ito... dito nyo po matatagpuan... wahehehhe... —> DITO o.. click here! :P


Anonymous

kuya...tgal nman ng part 2! klangan ko ung sa cavite! plsss plssss....slamat!


@anonymous: hahhahha... me assignment ka no! lols :P

meron ngang part 2 ito... tsek mo ung link sa comment section... hahhaha... pero wala pa akong alamat ng cavite... cge hayaan mo, pag-iisipan natin yan! nyahahhah... salamat sa encouragement!


Anonymous

kailangan po nmin alamat s cavite,...geh n po!!!!pls,.......


hahhahha :D... nakakatuwa naman... ikaw na lng gumawa... kaya mo yan... ang alamat nga ay gawa gawa lamang ng tao! hindi iyan totoo! kung gagawa ako... puro kalokohan lang ang mapapala mo! hahhaha... wala kang maasahan sa akin dahil hindi naman talaga totoo ang mga alamat! ito'y likhang isip lamang...

"Ang alamat ay karaniwang pumapaksa sa pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o katawagan. Ito ay likhang-isip lamang kaya salat sa katotohanan at di kapani-paniwala. Bagamat may ganitong katangian, nasasalamin naman nito ang mga kaugaliang Pilipino (Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas, Villafuerte, et al. 2000, p. 44)."

tsaka kung gagawa ako ng alamat ng cavite, at yun ang ipapasa mo... pangongopya yun! so either ways, masama yun! hahhaa.. good luck sa paggawa mo ng alamat ng cavite! :D


Anonymous

Uhm tnks sa mga stories mo... Napaka laking tulong!!! Salamat tlga ng madami.... Ikaw n nga pla ang source ko. Tnks ulit


@anonymous: nakatatakot isipin!


yupee!!!
ang danda ng alamat..
ahehe


helow,,,poH,,,,ahmm!!!ang ganDa poH ng web nyoH..!! part 2 naMan jan!!!!nagawa koH aGaD aSsign koH heheheheh.....kaylangan koH ng friend sa f.s hahahaha!!! (emenem_79@yahoo.com)
saLamat poHh....God blesS poH...!!!!sa next niyo pa poNg gagawIn ,,,,♥♥♥


@micka: weeee! salamat naman po!

@em-em: meron pong part ito... ung alamat ng caloocan at alamat ng valenzuela... meron din pong alamat ng meycauyan bulacan... pakihanap na lang po... salamat sa pagbisita... :D


Post a Comment

Google

Ano nga ba ang isang kuwentu-TERO?

Ang isang dakilang kuwentutero ay isang taong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tsismoso't tsismosa dito sa ating bansa. Sila ang mga taong pumapawi sa uhaw ng tinig ng mga salita at tumpukan sa mga kalye. Sila ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magkuwento sa hangga't gusto nilang kaparaanan. (Read more...) I thank you!

Mga Tagasubaybay

Mga Indeks!

Mga Isponsor!

Mga Tinuran!


Wala Lang!




who's online
free hit counter account login
free hit counters



Katakot-takot na Quotes!

What's new on TYC?

Trabaho ba kamo? Baka makatulong ang mga ito!