Dakilang Kuwentu-TERO!!!
Halina't magkuwentuhan Tayo!!!

Winning the Virgin Bloggers' Circle

Labels:

Views

First time ko ang makipag-meet sa mga fellow bloggers noong nakaraan Martes, July 03, 2007 sa Bloggers Meet-Up sa may Taste Asia beside SM Hypermart! Ayt ang experience grabe... as in! Daming mga bloggers from all walks of life — mayaman, mahirap, bata, matanda, babae, lalaki at somewhat in between, bwehehe — grabe ang okasyon na iyon talaga! Siyempre saan ko pa ilalagay ang sarili ko kundi dun sa mga mayayamang nagboblog... Ano ako hilo? Bwahahhaha...

Anyway, apat sa aking network of online friends ang ime-meet ko that night, si billycoy, si karlo, si carlotta at si elmo. Lahat sila, they were expecting me as what my blogname describes me. And guess what... lahat sila na star struck sa akin! Bwahahahha... aminin man nila o hindi, i-deny man nila o hindi, silang apat ay talaga namang na-star struck sa akin! Well, guys, it's called marketing strategies! Hahahhaa...

So I went na nga in this event... sakay ng aking mahiwagang chariot na bumagsak from heaven. Ang lintik na chariot, ibinaba ako sa South Wing ng Mall of Asia! Nasa North Wing pala ang Hypermart! So, ayun, naglakad pa ako pabalik, kasi bawal daw ang chariot sa loob ng mall... pinadukot ko ang guard sa aking mga tauhan... ang sabi ko sa kanila, "Alam nyo na ang gagawin dyan... yung malinis ha!" Kaya sa mga panahong ito, isa na namang kaluluwa ang muntik ng managhoy sa kawalan! Ito ay sa kadahilanang humalik naman siya sa aking singsing na may malaking brilyante! Kaya pinatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin.

Malawak ang mall, malaki at malamig. Mabuti na lang at sanay naman akong maglakad. Nasanay kasi ako sa aming asukarera. Mabalik tayo. Iyon na nga, so dapat imi-meet ko ang apat na nilalang na nabanggit ko sa itaas. At laking gulat nga nila sa kanilang nakita. Dami ko kayang bodyguards nung nagpunta ako sa event. Sabi nung organizers, bawal daw ang mga animals sa loob. So, sabi ko sa kanila, stay put na there and secure the place.

Guess what kung ano ang nalaman ko sa aking mga ka-meet!
• Si billycoy pala ay tahimik sa personal, snobbish, pero makulit, peace tayo! Hindi nya ako masyadong kinausap nung event kasi nga star struck pa rin sya sa akin! Sabi nya uber guwapo daw sya sa kaseksihan oozing with sex appeal! Ayoko ng ituloy. (^_^) V

• Si karlo ay the same pa din ang hitsura sa personal gaya nung kung ano ang nakikita nyo sa kanyang avatar sa website nya. Again, isa pa itong star struck sa akin! Bwahahaha... Ito ang kasama ko the whole event, instant bonding kasi siya talaga yung ka-meet ko! And together, we formed the first timer's table.

• Isa pa itong si elmo! Since first timer din sya sa ganitong mga gatherings, sumama siya sa amin ni karlo sa first timer's table. Ay grabe, the next scene was something to remember... he was munching on that crispy siomai and cuapao! Hahahaha. Joke! Kasama nya sa event na dumating ay si lalon. He also joined the first timer's table.

• Ang last na ime-meet ko ay si carlotta, isa pang na-star struck sa akin. She was like, "Whoa!" when she saw me. Joke! Hahahhaha. Just kidding. I think carlotta or carla is a nice girl. Ayan ha, may papuri ka dito sa blog ko! Hehehe... si dons na lang ang kulang. Ayt!

I am not very good at names, kaya nga hindi ako nag-teacher. Sorry kung hindi ko na kayo ma-me-mention. Alam nyo naman na nagkasama-sama tayo that night. I met nga din pala sa event na iyon sina LA, Shari Cruz, Enrico (?), Neil, Jerico, aaahh... kalimutan ko na talaga yung iba! I hate myself for not remembering people's name! Sorry talaga dun sa iba...

Anyway, when billycoy's circle of friends and our first timer's table were combined, we finally agreed but not official, that we are now called "The Virgin Bloggers' Circle"! O di ba, may etymology pa! So there.

If you want to see pictures of the event. I don't have it. They have. Hehehe. I cannot upload dito sa blogger because of some restrictions here in the office. Grabe. Anyway, pictures are located here, here and here. Thanks for dropping by!
19 comments:

kapag may event ulit dapat may banner na. haha


@jerico: nice idea! gs2 mo malaking tarpaulin pa eh. haha.

@yatot: hahaha. starstruck eh. controversial kc ung hair mo. kla ko b4 mala-afro dating mo na medyo brown ang skin color at payat. sa event, shempre na surprised ako. ehehe.


jerico: dapat talaga may banner na... with matching printed shirts and buttons... aaaw! hahahaha

elmo: hahhaa... grabe naman ang imaginations mo! with your descriptions para na akong jamaican nyan! hahaha


You guys are so funny... virgin bloggers! Tama ba naman yun! Hehehe. But you guys will be the next gen famous bloggers! Thanks for coming!


alagad ko lang ang nakasama niyo, as you know me, di talaga ako nagpupunta sa mga ganyan, i let my slave to do that.

tahimik at suplado ba alagad ko? doubtful ako dun!


Waah! Andaya! Di ka man lang nagyaya.


Your Coo-it! Ang lakas nyong bumangka di ako maksaingit. And I had to leave early. Next time, babangkaan ko kayo.


wahihi salamat sa iyong papuri! ^_^

actually i was like, whoa! kasi ang hinahanap ko isang payat na kulot. me nakita nga akong isa pero hindi pala ikaw yun hehehe. mas cute ka sa kanya. yihee! =) buti naman at nagkita na tyao! sayang nga at hindi nakapunta si donna kasi bisi-bisihan sa trabaho.


whoa! ang dami na agad nag-comment!

ms. aileen: thanks sa papuri... bwehehhe... sana may part 2! ang event na ito! at sa bahay nyo na gaganapin! kitakits lang... joke!

billycoy: uu tahimik nga siya masyado! suplado siguro kasi hindi mo siguro pinasweldo! bwehehhe

aryo: ay sori... hindi ko alam... kala ko alam mo... sa susunod yayain na kita... pramis!

jun: bwehehhee... what can i say... there can always be next time! hehehe peace!

mandayamoore: hindi nga? nagpunta ka ba dun?

carlotta: uu nga sayang wala si dons... anyway, mas cute ako? bwehehhe *blush konti* next time dapat kasama na si dons...


yatot, yes i was there in spirit. nag-astral projection ako. hehehe


hala sino ka dun sa virgin bloggers! ahahah nakalimutan ko na din.

i enjoyed the event a lot. sana may kasunod pa....


Hello! Nice meeting you there at taste asia last Tuesday! It was really fun-filled night. Hanggang sa susunod na blogger meet-up!


oh... so may gathering pala ulit... kelan kaya ako makakapunta sa ganyan... di kasi ako aware na may ganyan! hahaha!


sama kami next time nina dos ah...


mandayamoore: *shivers* yun lang ang masasabi ko... goosebumps

eric: basta... secret... walang clue... teka wala kang link...

darwin: yebba! nice meeting you also! itatry ko nxt time yung sinabi mong bidvertiser... teka ikaw nga yun?

sherma: next time iniform ka namin...

virgie: uki mas maganda iyon!


next time dapat my paper and pencil kana for urls and name...

si lola parin ba yung rason nyan? haha


LOL!! di man lang nagyaya joke hehehe ^_^... starstruck ha? bwahahahaha!!


Nice meeting you. Next time, sama ka na sa after-party parties :-)


Post a Comment

Google

Ano nga ba ang isang kuwentu-TERO?

Ang isang dakilang kuwentutero ay isang taong tumutugon sa mga pangangailangan ng mga tsismoso't tsismosa dito sa ating bansa. Sila ang mga taong pumapawi sa uhaw ng tinig ng mga salita at tumpukan sa mga kalye. Sila ang mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magkuwento sa hangga't gusto nilang kaparaanan. (Read more...) I thank you!

Mga Tagasubaybay

Mga Indeks!

Mga Isponsor!

Wala Lang!




who's online
free hit counter account login
free hit counters



Katakot-takot na Quotes!

What's new on TYC?

Trabaho ba kamo? Baka makatulong ang mga ito!